MMK DAGLIANG KAALAMAN AT BALITA-ON-AIR
Bilang bahagi ng pagkamit ng #MalinisAtMasaganangKaragatan, inaanyayahan ang lahat na tumutok sa MMK Dagliang Kaalaman at Balita-On-Air segment na mapapakinggan araw-araw, mula July 25 hanggang Agosto 23, 2020. Tampok dito ang iba't-ibang trivia tungkol sa pangangalaga sa ating karagatan.
Kabilang din sa programa ang "Bibong Kabataang Tagapakinig at Manunulat", isang paligsahang na susubok sa mga tagapakinig na mag-aaral ng high school (junior at senior) sa kanilang mga natutunan mula sa programa. Bawat araw, iba’t ibang kaalaman o trivia ukol sa pangangalaga ng pangisdaan at yamang tubig ang iaanunsyo sa segment. Base sa mga dagliang kaalaman o trivia, isang tanong ang ibibigay kada araw sa pagitan ng 12:00 ng tanghali hanggang 2:00 ng hapon upang sagutin ng mga tagapakinig.
Ang mga nais magbigay ng kanilang sagot ay maaaring magtext sa 0915.827.8302 at 0961.774. 8083 o mag-email sa bibongkabataan@gmail.com. Siguruhin lamang na may kalakip na kumpletong pangalan, edad, at address ang mga sagot.
Ang mga kalahok na makakakuha ng sampung tamang sagot ay makakasali sa huling bahagi ng patimpalak, kung saan susulat sila ng isang sanaysay tungkol sa kanilang mga natutunan mula sa segment. Ang mga mapipili base sa sanaysay ay hihiranging MMK Dagliang Kaalaman at Balita-on-Air Bibong Kabataang Tagapakinig at Manunulat. Sila ay paparangalan sa Linggo ng Pangisdaan sa Setyembre at gagawaran ng Plake ng Pagkilala at cash prize.
Abangan ang MMK Dagliang Kaalaman at Balita-On-Air araw-araw sa pagitan ng 6:00 AM-8:00 AM, 10:00 AM-12:00 NN, 12:00 PM - 2:00 PM, at 3:00 PM-5:00 PM. Mapapakinggan ang segment sa mga sumusunod na estasyon ng radyo:
1. DWNI-FM 91.1MHz Radyo Karruba
Burgos, Ilocos Norte
2. DZND-FM 97.7MHz Radyo Kalugaran
Claveria, Cagayan
3. DWNK-FM 102.9MHz Radyo Kaedup
Dingalan, Aurora
4. DWNQ-FM 100.7MHz Radyo Kawadi
Casiguran, Aurora
5. DZNG-FM 107.7MHz Radyo Kaisahan
Sariaya, Quezon
6. DZNI-FM 99.7MHz Radyo Kaunlaran
Bansud, Oriental Mindoro
7. DWNF-FM 107.7MHz Radyo Katabang
Vinzons, Camarines Norte
8. DWNS-FM 94.5MHz Radyo Katunog
Matnog, Sorsogon
9. DWNZ-FM 106.5MHz Radyo Kahamugaway
Cawayan, Masbate
10. DYNB-FM 88.5MHz Radyo Kaabyanan
Sibalom, Antique
11. DYNG-FM 103.1MHZ Radyo Kausbawan
Palompon, Leyte
12. DXNO-FM 97.5MHz Radyo Komunidad
Isabela City, Basilan
13. DXAO-FM 92.1MHz Radyo Kadulangan
Kalamansig, Sultan Kudarat
14. DXNH-FM 94.1MHz Radyo Kasannangan
Bongao, Tawi-Tawi