Sa pagdiriwang ng Month of the Ocean 2020, inaanyayahan ang lahat ng youth at youth-at-heart na dumalo sa webinar na Zooming in on MPAs: A Webinar on Marine Protected Areas in the Philippines ngayong May 29, 2020, 3 PM.
Ito ay naglalayong magbigay ng mga pangunahing kaalaman patungkol sa Marine Protected Areas at ang mga kahalagahang ginagampanan nito sa pagkamit ng seguridad ng pagkain sa bansa.
Para sa mga nais sumali, sagutin lamang ang katanungan na ito:
"Bilang isang kabataang Pilipino, ano ang iyong mga nagawa upang mapangalagaan ang angking ganda at yaman ng ating karagatan?"
Ipadala ang inyong sagot sa official Facebook page ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). 30 na masuwerteng kalahok ang mapipili na makasali sa talakayan sa Zoom App at mabibigyan ng digital certificate.
Mapapanuod ang talakayan sa FB Live at sa iba pang mga social media outlets ng DA-BFAR.